Ang lahat ng idinalangin, kapagdaka'y ibinigay...
Isa lamang ang araw na ito sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin. Isang biyayang walang hanggan at puno ng pag-asa, bagamat para sa akin, ito'y iba.
Naiiba hindi dahil sa itinaboy ko na ang pag-asa, na matagal ko na'ng pinipilit itapon ngunit pilit bumabalik at nagpapahiwatig. Oo. Ang pag-asang madalas kong sambitin at ibigay sa mga nangangailang ng tulong, ay siyang bagay na nawala na sa aking pagkatao. Bagamat ito ang aking inaakala, na ang mundo'y puno ng pag-asa (ng iba), hindi yata't nagpupumilit pa din itong bumalik sa akin.
Kagabi, wala akong maramdaman. Ang pag-ibig kong itinatayo muli ay hindi ko mawari, tila baga may kulang. (O ako mismo ang nagkukulang, na hindi ko alam.) Madalas na akong tamaan ng hindi mawaring karamdaman sa katawan, sa pag-iisip, sa pagkatao na bigla-bigla na lamang hahalili sa aking katauhan na parang isang sinaniban na kung saan, ang lahat ng bagay ay mawawalan ng kulay. Kagabi, nag-online ako. Yahoo Messenger. YM. Status ko: "Leaving Earth". Sa tingin ko, literal na masyado ang mga salitang iyan, hindi na kailangan ipaliwanag. Sarcastic ang pagkakasulat. Walang paliguy-ligoy. Diretso. Yun lang ang ibig sabihin nun. Buong gabi akong nag-iisip ng problemang walang ibang sasagot kundi ako rin sa tamang oras, hanggang sa makatulog ang lahat ng aking binibilang na tupa, bagsak pa din ang mundo ko.
Sa aking paggising, wala ang haring araw. Lumuluha ang kalangitan, walang dagundong ng kulog at kislap ng kidlat. Luha. Malakas. Humihina pero lalakas uli. Bumangon ako. Dala ko pa din ang bigat ng mga gunitang pinagpuyatan, pinilit kong hilahin ang mga tulog na tupa sa aking ulo mula sa pagkakalapat sa unan ko. Kailangan kasi,e. Wala tayong magagawa sa takbo ng ganitong buhay na walang buhay. Ang kwento kong walang kwenta. Kailangang magtrabaho at magpakagago muli sa araw na ito, tutunganga sa opisina, kakain, magkakape, magiingay at magpapantasya ng mga bagay-bagay. Kailangan, kailangan. Kahit walang kahihinatnan.
Iihi sa banyo. Timpla ng kape. Nood ng Unang Hirit habang mainit pa ang hinihigop na aroma. Nagbukas ng SPAM bilang almusal naming magkapatid. Tapos na ang almusal. Magbabawas saglit. Liligo na. Malamig na tubig. Dagdag pampagising. Sepilyo ng ngipin. Magbibihis ng damit. Magsasalansan ng mga gamit para sa ulan, dahil sa panahong ito, mas importante ang sarili kaysa sa mga dadalhin ko sa opisina. Wala ka namang gagawin,e. Kung pwede lang walang dadalhin,e kaso umuulan, kailangan ng bag para sa payong at jacket.
Matapos ang seremonyas sa pang-araw-araw na routine, lalabas na ako ng bahay. Aalis para magtrabaho-tambay na. Umuulan pa din. Lumalakas. Suot ng jacket. Makinig ng musika mula sa aking Mobile Phone habang sumasakay sa traysikel. Sakto ang eksena. Sumasabay sa ulan ang mga gusto kong musika. Kapiling ng mga tubig ang boses ng mga paborito kong banda. Sarap! Siyete pesos ang iaabot sa manong magtatraysikel bilang bayad pagbaba. Humina ang ulan.
Maluwag ang kalsada. May pinalampas akong isang dyip sa harap ko bago ako tumawid. Ang musikang pinakikinggan, hindi ko na maalala kung anong kanta. Basta maganda. Isang Toyota Revo ang tatawid sa kabilang linya ng kalsada, galing sa likod ko. Kampante ako tumawid sa kalsada kung may kasabay ako, lalo na kung sasakyan dahil siguradong hihinto ang mga magbibigay ng daan sa kapwa nila sasakyan na siya namang sasamantalahin ko sa pagtawid. Sabay kami. Isang pampasaherong dyip ang nagmenor. Nagpreno. Sinabayan ko ang puting Revo. Nakapreno ang dyip, nakita kong huminto ang gulong niya. Hindi na umiikot. Nakaumang na ang nguso ng puting sasakyan, patawid daan papuntang Timog, nakaharang sa linyang papuntang Hilaga. Nakapreno ang dyip. Nakaumang ang puting Revo. Ang bumper ng dyip, humalik sa pintuan ng Revo. Sinalpok niya ang Revo, pero mahina lang.
Katabi ko na ang Revo pagtawid sana. Wala akong narinig na bulong, abala ako sa pakikinig ng paborito kong banda. Walang humatak sa akin. May pumigil sa akin. Bagamat pakiramdam ko na nakahakbang na ako patawid sa kabilang kalsada, hindi pa pala. Bumagal ang oras nang makita ko ang Revo pakaliwa at nakaumang na sa kalsada at ang nagprenong dyip na hindi huminto. Bumagal ang takbo ng oras. Kitang-kita ko siguro ang pagkakaipit ng mga tuhod ko kung isinabay ako ng puting sasakyan. Kitang-kita ko siguro ang mga taong nakatingin sa akin, habang hindi ko mawari sa sarili ko kung maiiyak ba ako o magpapasalamat. Kitang-kita ko din siguro, hindi lang ako, ang naghalong luha ng langit at ang pulang likidong dumadaloy sa aking ugat. Kitang-kita ko siguro yun. Marahil nakita ko din yung pagkasira nung pintuan nung puting sasakyan kung tinitigan ko kung paano bumangga yung dyip sa tagiliran nung una. Kaso iniwasan ko ng tingin e. Nung makita ko in slow motion yung mangyayari, pumalatak na lang ako. Medyo sumapaw yung tunog ng salpok ng dalawang sasakyan sa pinakikinggan ko pero hindi ko na pinansin. Itinuloy ko na lang ang paglalakad sa kabilang kalsada upang maghintay ng masasakyan papasok sa opisina.
Sa aking pagbabalik-tanaw habang nag-aabang ako sa ngayo'y matrapik na'ng kalsada, napag-isip-isip ko... 'langya yan. Malamang baldado na ako o wala na akong mga binti kung nagkataon. Malamang nasa ospital ako ngayon. At malamang hindi mo mababasa itong pahinang ito.
Hindi ko man sabihin to pero oo, mahal Niya talaga ako. (Kahit na sobrang gago 'ko.)
Binigyan niya na naman ako ng dahilan para ipagpatuloy ang nasimulan. At para sagutin ang sariling katanungan, solusyunan ang problemang walang direksyon.
"Habang may buhay, may pag-asa."
Naiiba hindi dahil sa itinaboy ko na ang pag-asa, na matagal ko na'ng pinipilit itapon ngunit pilit bumabalik at nagpapahiwatig. Oo. Ang pag-asang madalas kong sambitin at ibigay sa mga nangangailang ng tulong, ay siyang bagay na nawala na sa aking pagkatao. Bagamat ito ang aking inaakala, na ang mundo'y puno ng pag-asa (ng iba), hindi yata't nagpupumilit pa din itong bumalik sa akin.
Kagabi, wala akong maramdaman. Ang pag-ibig kong itinatayo muli ay hindi ko mawari, tila baga may kulang. (O ako mismo ang nagkukulang, na hindi ko alam.) Madalas na akong tamaan ng hindi mawaring karamdaman sa katawan, sa pag-iisip, sa pagkatao na bigla-bigla na lamang hahalili sa aking katauhan na parang isang sinaniban na kung saan, ang lahat ng bagay ay mawawalan ng kulay. Kagabi, nag-online ako. Yahoo Messenger. YM. Status ko: "Leaving Earth". Sa tingin ko, literal na masyado ang mga salitang iyan, hindi na kailangan ipaliwanag. Sarcastic ang pagkakasulat. Walang paliguy-ligoy. Diretso. Yun lang ang ibig sabihin nun. Buong gabi akong nag-iisip ng problemang walang ibang sasagot kundi ako rin sa tamang oras, hanggang sa makatulog ang lahat ng aking binibilang na tupa, bagsak pa din ang mundo ko.
Sa aking paggising, wala ang haring araw. Lumuluha ang kalangitan, walang dagundong ng kulog at kislap ng kidlat. Luha. Malakas. Humihina pero lalakas uli. Bumangon ako. Dala ko pa din ang bigat ng mga gunitang pinagpuyatan, pinilit kong hilahin ang mga tulog na tupa sa aking ulo mula sa pagkakalapat sa unan ko. Kailangan kasi,e. Wala tayong magagawa sa takbo ng ganitong buhay na walang buhay. Ang kwento kong walang kwenta. Kailangang magtrabaho at magpakagago muli sa araw na ito, tutunganga sa opisina, kakain, magkakape, magiingay at magpapantasya ng mga bagay-bagay. Kailangan, kailangan. Kahit walang kahihinatnan.
Iihi sa banyo. Timpla ng kape. Nood ng Unang Hirit habang mainit pa ang hinihigop na aroma. Nagbukas ng SPAM bilang almusal naming magkapatid. Tapos na ang almusal. Magbabawas saglit. Liligo na. Malamig na tubig. Dagdag pampagising. Sepilyo ng ngipin. Magbibihis ng damit. Magsasalansan ng mga gamit para sa ulan, dahil sa panahong ito, mas importante ang sarili kaysa sa mga dadalhin ko sa opisina. Wala ka namang gagawin,e. Kung pwede lang walang dadalhin,e kaso umuulan, kailangan ng bag para sa payong at jacket.
Matapos ang seremonyas sa pang-araw-araw na routine, lalabas na ako ng bahay. Aalis para magtrabaho-tambay na. Umuulan pa din. Lumalakas. Suot ng jacket. Makinig ng musika mula sa aking Mobile Phone habang sumasakay sa traysikel. Sakto ang eksena. Sumasabay sa ulan ang mga gusto kong musika. Kapiling ng mga tubig ang boses ng mga paborito kong banda. Sarap! Siyete pesos ang iaabot sa manong magtatraysikel bilang bayad pagbaba. Humina ang ulan.
Maluwag ang kalsada. May pinalampas akong isang dyip sa harap ko bago ako tumawid. Ang musikang pinakikinggan, hindi ko na maalala kung anong kanta. Basta maganda. Isang Toyota Revo ang tatawid sa kabilang linya ng kalsada, galing sa likod ko. Kampante ako tumawid sa kalsada kung may kasabay ako, lalo na kung sasakyan dahil siguradong hihinto ang mga magbibigay ng daan sa kapwa nila sasakyan na siya namang sasamantalahin ko sa pagtawid. Sabay kami. Isang pampasaherong dyip ang nagmenor. Nagpreno. Sinabayan ko ang puting Revo. Nakapreno ang dyip, nakita kong huminto ang gulong niya. Hindi na umiikot. Nakaumang na ang nguso ng puting sasakyan, patawid daan papuntang Timog, nakaharang sa linyang papuntang Hilaga. Nakapreno ang dyip. Nakaumang ang puting Revo. Ang bumper ng dyip, humalik sa pintuan ng Revo. Sinalpok niya ang Revo, pero mahina lang.
Katabi ko na ang Revo pagtawid sana. Wala akong narinig na bulong, abala ako sa pakikinig ng paborito kong banda. Walang humatak sa akin. May pumigil sa akin. Bagamat pakiramdam ko na nakahakbang na ako patawid sa kabilang kalsada, hindi pa pala. Bumagal ang oras nang makita ko ang Revo pakaliwa at nakaumang na sa kalsada at ang nagprenong dyip na hindi huminto. Bumagal ang takbo ng oras. Kitang-kita ko siguro ang pagkakaipit ng mga tuhod ko kung isinabay ako ng puting sasakyan. Kitang-kita ko siguro ang mga taong nakatingin sa akin, habang hindi ko mawari sa sarili ko kung maiiyak ba ako o magpapasalamat. Kitang-kita ko din siguro, hindi lang ako, ang naghalong luha ng langit at ang pulang likidong dumadaloy sa aking ugat. Kitang-kita ko siguro yun. Marahil nakita ko din yung pagkasira nung pintuan nung puting sasakyan kung tinitigan ko kung paano bumangga yung dyip sa tagiliran nung una. Kaso iniwasan ko ng tingin e. Nung makita ko in slow motion yung mangyayari, pumalatak na lang ako. Medyo sumapaw yung tunog ng salpok ng dalawang sasakyan sa pinakikinggan ko pero hindi ko na pinansin. Itinuloy ko na lang ang paglalakad sa kabilang kalsada upang maghintay ng masasakyan papasok sa opisina.Sa aking pagbabalik-tanaw habang nag-aabang ako sa ngayo'y matrapik na'ng kalsada, napag-isip-isip ko... 'langya yan. Malamang baldado na ako o wala na akong mga binti kung nagkataon. Malamang nasa ospital ako ngayon. At malamang hindi mo mababasa itong pahinang ito.
Hindi ko man sabihin to pero oo, mahal Niya talaga ako. (Kahit na sobrang gago 'ko.)
Binigyan niya na naman ako ng dahilan para ipagpatuloy ang nasimulan. At para sagutin ang sariling katanungan, solusyunan ang problemang walang direksyon.
"Habang may buhay, may pag-asa."
Gasgas na pero yan talaga yung ibig sabihin nun.
Wala nang paliguy-ligoy. Diretso.
...sa biglaang pagtanggap, buhay ang alay.