25 March 2010

Kabanata VIII - Kanser




IKAW: Ano bang problema mo? Halika nga. (Sabay hatak sa aking kaliwang kamay) Kausapin mo nga muna ako...
AKO: Huwag na. Umalis na tayo. Ano ba'ng sasakyan mo?
I: Taxi. Bakit ba ang sungit-sungit mo? Yan ka na naman e.
A: ... Akala mo lang yun.
I: Lagi ka na lang ganyan.
A: Mag-dyip ka na lang. Malapit lang yun,a.
I: Ayoko! Taxi na lang. Bakit ba? Ano bang problema?
A: Wala! Nasira kasi yung mood ko. Alam mo naman na yun,e. (Pigil ang gigil sa pagsasalita)
I: Ah... Damay-damay na, ganun?

Lumakad kami papuntang Quirino, tangan ang bigat at naghihimutok na damdamin.

I: Pasay ba yang dyip na yan? Ay, hindi pala.
A: (Inaninag) Pasay yan.

Sumakay kami. Ako ang nagbayad. Pagbaba namin...

I: Saan ka sasakay nyan?
A: D'yan (sabay turo sa mga nakapilang jeep).
I: Bakit ba ang sungit mo,ha? Yan ka na naman,e. Ano bang problema mo? (Pinigilan ako sa pagtalikod).
A: Gaya ng sinabi ko, nasira na yung mood ko. Nainis lang ako. Naramdaman ko lang uli yung dati.
I: Anong dati? Ipaliwanag mo nga?
A: Hindi ko naman dapat ipaliwanag,e. Wala din namang mangyayari sa pagsasalita ko. Kilala na kita.
I: Isa.. Bakit ba sinusungitan mo na naman ako? Dapat naiwan ka muna dun. Sabi ni Dax punta daw muna kayo sa kanila.
A: Ayoko. Isa pa, hindi naman ako imbitado dun. Sabit mo lang ako.
I: E pano, layo ka ng layo sa akin.
A: E para naman kasi akong accessory lang dun. Parang wala lang ako.
I: E kasi nga, layo ka ng layo. Dun na nga kita pinauupo sa tabi ko e.
A: Kung bakit ba naman isinama mo pa ako,e. Sige na. Aalis na ako. Una ka na.
I: Hay.. Sige. Ingat ka ha?
A: Sige. (Biglang talikod)

Habang papalayo, sinipat ka patungo sa loob ng mall.

Sa jeep, inilabas ko ang aking cellphone.

A: "Sori. Ang hrap p dn tlga. Nasasaktan p dn aq. D q kya mgng friend sau. I want to stay away."

I: "hay.ayan kna naman.. ingat kw pauwi po."

A: "Hnd m kc alam kung gano kahirap un."

I: "hay"