Isang taimtim na panalangin ang nasambit at nabitawan sa kabilugan ng buwan ng gabing ito.
Magbigay nawa ng pahiwatig at mga signos na magbibigay ng direksyon sa buhay na walang saysay. Tulad lamang nung isilang si Hesus, na ang naging gabay sa tatlong haring mago ay ang bituing maningning sa kalangitan. Sa pagsunod sa talang iyon ay doon natagpuan ang kanilang hinahanap. Ang kaligtasan, ang pag-asa, ang buhay.
Sa paglalakad tuwing hatinggabi, madalas kong tinatanaw ang liwanag na tulad na iyon. Madalas, hinahanap ko ang buwan,hindi ang tala. Sapagkat siya ang pinakamaliwanag sa lahat. Gustong -gusto ko siya lalo na kung buo ang kanyang uri, ang bilog at maliwanag na ilaw na tumatanglaw sa paligid ko, na sa aking pagyuko o paglingon sa aking likuran ay maaaninag ko ang aking sariling anino. Sa pagtingala sa kanyang kaanyuan ay tila umiibig ako sa kanya. Minsan naisip ko na lamang humiga para lang titigan siya. Saluhin ang lahat ng liwanag na kanyang ibinibigay ng libre, tila isang biyayang inihahatid niya sa lahat tuwing sasapit ang kanyang pagpapahiwatig.
Ngunit isa sya sa nagpapaalala sa akin ng mga pangarap na hindi natupad. Mga pangarap na minsan na'ng nahagkan, na bigla na lamang naglaho. Minsan ko na'ng pinangarap na makarating sa buwan, ang masilayan ang kabuuan nito, at kung ano ang pakiramdam makita ang daigdig buhat sa itaas.
Ano kaya ang makikita buhat doon? Masisilayan ko kaya ang kabuuan ng daigdig sa kanyang pag-ikot? Magbibigay din kaya ako ng liwanag para sa iba, tulad ng nararamdaman ko tuwing nakatingin ako sa kanya? Maghahatid din ba ako ng kagalakan? Makikita ko din ba ang mga saya at lungkot ng bawat nilalang na umiibig sa buwan? Masaya kaya ang buwan sa kanyang mga nakikita sa daigdig?
Marahil nga may pahiwatig ang pagpapakita ng buwan sa akin. O masyado lang talaga ako malawak mag-isip ng kung anu-anong bagay na wala namang kabuluhan? Hindi ko alam. May pahiwatig man o wala, isa lang ang hinahanap ko: direksyon.
Ngunit paano kung hindi talaga buwan ang magtuturo sa akin ng direksyon na hinahanap ko? Paano kung ang mga tala ang nagpapahiwatig ng kanilang ningning para aking pansinin? Hindi kaya ako masilaw, o mabulag sa dami nila? Hindi ba't parang mas malabo ang kahihinatnan ng bawat pagtingin ko sa mga nangagsabog na butil na ningning sa kalangitan kaysa sa isang malaking liwanag na tatambad sa aking harapan?
Oo. Naging malabo ang lahat sa akin nung sa bituin ako humanga, nakahiga sa buhangin pitong taon ang nakalilipas, kayakap ang isa sa mga bituing mapanlinlang na bumulag sa akin. Tuwing titingala ako sa kalangitan, ang mga bituing nakikita kong nakakalat, minsa'y pinasalamatan ko sila sa kasiyahan na aking nararamdaman. Lubos ang pagtitiwala ko sa kanila, sapagkat sila ang aking naging gabay.
Sa ilalim ng pagkakabulag na likha nila, nakita ko ang sarili ko sa pagkakasadlak. Kaya't sa aking pagtingala sa kalangitan, pilit ko pa ding hinahanap ang liwanag. Oo, tama ka. Napakahirap alisin ang mga bituin sa aking tanaw, at hindi na talaga maiaalis yun, kahit na ibang liwanag pa ang hinahanap ko.
Ako'y nasisilaw, sa liwanag na hindi ko naman makita.

Sa lalim na aking naabot sa kamalayang walang saplot,
ang buwan nga pala ay walang sariling ningning.
Hindi kaya sa araw ako dapat tumingala at tumunganga,
para humingi ng direksyon at biyaya?