(2:15am)
Hindi ako makatulog. Gusto ko magsulat. Naalala ko, may espasyo pa pala ako dito.
Sa pagbalik-tanaw ko ng mga pahinang maitim at mapait, di ko maiwasang mag-isip kung buburahin ko na nga ba itong mga naisulat ko.
Bagama't iba na ang buhay ko makalipas ang mahigit dalawang taon, ako pa din si ako. Hindi man na ako tulad ng dati, taas noo kong masasabi na likha ko pa din ang mga kabanatang nakalimbag (kahit na oo, mapait na kung mapait pero yan ang mga naging saksi ko sa paghakbang at pagtalikod ko sa isang yugto ko sa buhay).
Muli, ipagpaumanhin niyo na ang mga nauna kong kabanata. Isang mapait na hilaw ang aking nalikha, datapwat, isang malaking aral sa akin ang mga iyon.
At muli, ako'y hihinto. Inaantok na ako.
(2:47am)
05 March 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)