Bakit ako badtrip ngayong araw na ito?
1. Tatlo sa mga katrabaho ko ang binigyan ng "Forced Leave" ng dalawang buwan. Ang nakikita kong dahilan: Low budget na ang kumpanya. Wala na'ng maisip na paraan para makatipid kaya yung mga hindi pa regular na empleyado ang napiling isakripisyo. Naiintindihan ko ang kumpanya, last resort na e. Yun nga lang, hindi napaghandaan nung mga katrabaho namin yung nangyari,e. Ilagay mo ang katayuan mo sa kanila, sa loob ng apat na araw, hindi ka na papasok. Forced leave ka na. Parang shit lang,e. Kung kailan kailangang-kailangan mo ng pera, bibiglain ka pa ng ganito. Shit talaga. Hindi nga pala sila tatlo, apat pala sila. Tatatawagan daw sila pagkaraan ng dalawang buwan. Ewan ko kung bakit. Sa pagkakaintindi kasi namin,e yung 'Forced Leave' nila, pinagandang 'Termination' lang yung dating e. Ewan ko din. Kuro-kuro ko lang.
2. Naghanap ako ng photo album kanina sa Megamall para sa mga obra ko. Wala akong nabili. Hindi ko makita yung tipo kong bilhin, o wala lang talaga nung ganung klase ng photo album. Napaka-pihikan ko talaga.
3. Trapik na naman ang kanto ng Mindanao Ave. at Quirino highway. Masyado kasing mahusay yung nagplano ng underpass na papuntang Valenzuela,e. Lalo niyang pinaliit yung daanan papuntang Novaliches na alam naman natin, na matrapik talaga.
4. Ang nasakyan kong bus driver, hindi ata sanay magdrive ng byaheng Novaliches. Malakas umapak ng preno. Lumagpas kami ng isang U-turn, hindi niya ata alam na liliko na sa unang kanto. Ang gusto ko lang na ginawa niya ay yung maangas niyang arangkada na halos sagasaan niya yung mga lecheng tambay sa may Sauyo na nagpapalusot ng mga sasakyang nag-shortcut para makasingit at makadagdag trapik sa Quirino highway.
5. Mainit.

No comments:
Post a Comment